DOTr, kumpyansang 85% na magiging matagumpay ang PUV Modernization dahil sa extension

Positibo ang Department of Transportation (DOTr) na tataas pa sa 85% ang consolidation rate sa PUV Modernization Program.

Inihayag ito ni Transportation Sec. Jaime Bautista kasunod ng pagpapalawig ng tatlong buwan sa deadline sa consolidation.

Muli namang hinikayat ng DOTr ang iba pang transport groups na sumama sa programa.


Kumpiyansa rin ang ahensya na marami ang tutungo sa Office of Transportation Cooperatives (OTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sumama sa programa dahil ang commuters aniya ang mabibiyayaan nito.

Facebook Comments