Bumuo ng Inter-Agency Committee for Right-of-Way (ROW) Activities si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para pabilisin ang implementasyon ng lahat ng railways projects sa Pilipinas.
Batay sa Administrative Order No. 19, ang Inter-Agency Committee ang mag-aaral at gagawa ng episyenteng mekanismo para mapadali ang proseso ng land acquisition o pagbili ng mga lupa na kinakailangan para sa mga proyekto.
Kabilang sa tungkulin ng komite ang pag-coordinate ng mga polisiya at proyekto, pagbuo ng mga polisiya at programa, at pagtukoy ng angkop na mga serbisyo at programang may kaugnayan sa land acquisition gaya ng livelihood, income restoration at resettlement.
Tutukuyin din nito ang kasalukuyang mga polisiya, kasunduan, kontrata at iba pang arrangements na epektibo sa implementasyon ng mga proyektong riles.
Magsisilbing chairperson ng inter-agency committee ang kalihim ng Department of Transportation katuwang ang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development, habang miyembro naman ang ilang pang ahensya ng pamahalaan.