Matutulungan ang mga cancer patients na kapos o walang pinansiyal na kapabilidad upang makapag-pagamot ng kanilang karamdaman.
Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sinabi nitong alam niya kung gaano kabigat ang pinagdadaanan ng mga sumasailalim sa cancer treatments kabilang kung saan kukuha nang panggastos sa pagpapagamot.
Para aniya maibsan ito sinabi ng chief executive na mayroong cancer assistance fund na siyang babalikat sa pagpapagamot ng mga cancer patients.
Ayon sa presidente magmumula sa pondong ito ang ibabayad sa cancer diagnostics and laboratory costs na hindi sakop ng benepisyo ng PhilHealth.
Matatandaang ngayong taon mayroong inilaang ₱500-M ang Department of Budget and Management o DBM para sa Department of Health (DOH) para sa cancer assistance fund.
Ang sakit na cancer ay pangatlong dahilan nang maraming pagkasawi ng mga Pilipino.