Nakatakdang dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gaganaping ASEAN-EU o Association of Southeast Asian Nations – European Union sa Brussels, Belgium sa susunod na Linggo.
Aalis ang pangulo sa Linggo, December 11, alas-8 ng gabi sakay ng Philippine Airlines 001 at nakatakdang bumalik dito sa Pilipinas sa December 15, alas-7:30 ng gabi.
Sa isinagawang press conference sa Malacañang ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu, sinabi nitong may naka-schedule na sampung bilateral meetings ang pangulo na sidelines sa kanyang partisipasyon sa ASEAN-EU.
Ang mga makaka-bilateral meetings ng pangulo sa Belgium ay ang lider ng mga bansang:
-Belgium
-Estonia
-Czech Republic
-Spain
-Denmark
-Germany
-Poland
-Finland
-Netherlands
-European Union
Sinabi ni Espiritu na ito ay pinaka-busy na byahe ng pangulo dahil sa mga gagawing kaliwa’t kanang pagpupulong.
Pero magbebenipisyo aniya sa byaheng ito ang napakaraming mga Pilipino dahil target ng pangulo na makahanap ng investors para maglagak ng negosyo sa bansa.