Radio Mindanao Network, tumanggap ng dalawang award sa ginanap na Gawad Pag-IBIG para sa Media 2022

Tumanggap ang Radio Mindanao Network (RMN) ng dalawang award sa ginanap na Gawad Pag-IBIG para sa Media 2022.

Ginanap ang parangal kanina sa Century Park Hotel sa Malate, Maynila.

Partikular na iginawad sa RMN News ang Gawad Pag-IBIG “Bida sa Pagbabalita” Award at ang Gawad Pag-IBIG “Bukas-Palad sa Pag-IBIG” Award.


Sa kanyang talumpati, nagpasalamat naman sa media partners si Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta sa patuloy na suporta nito sa kanilang mga proyekto.

Ayon kay Acosta, kung wala ang tulong ng media partners , hindi aniya magtitiwala sa Pag-IBIG Fund ang kanilang mga miyembro.

Inanunsyo rin ni Acosta na asahan pa ng kanilang mga miyembro ang mas magagandang proyekto na kanilang pina-plantsa ngayon.

Ang RMN Networks Incorporated ay isa sa media partners ng Pag-IBIG Fund.

Facebook Comments