Nakatakdang dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ika-50 taong anibersaryo ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas o KBP.
Ang event ay gaganapin mamayang alas-7:00 ng gabi sa Main Hall ng Manila Polo Club sa McKinley Road, Barangay Forbes Park, Makati City.
Makasaysayan ang KBP dahil binuo ito noong April 27, 1973 o bago ang deklarasyon ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama ni Pangulong Bongbong Marcos.
Noong una ay mayroon lamang 19 na miyembro ang organisasyon hanggang sa lumawak ito at isinama na sa membership nito ang mga nasa hanay ng radyo at telebisyon.
Batay na rin sa broadcast code, itinataguyod ng mga regulasyon ng KBP ang pagpapabuti ng professionalism at ethical standards sa Pilipinas, maging ang pagsulong ng industriya ng brodkasting.