PBBM, dapat bigyan ng sapat na panahon para makapagtalaga ng kalihim sa DOH

Kung si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go ang tatanungin, dapat na bigyan ng sapat na panahon si Pangulong Bongbong Marcos para makapagtalaga ng kalihim ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Go, maaari namang hindi madaliin ng pangulo ang pagtatalaga ng health secretary dahil maayos naman ang pagpapatakbo at pagtugon ng DOH partikular sa pagtugon sa COVID-19.

Bukod dito, prerogative rin ng presidente ang paghahanap ng kanyang pagkakatiwalaan sa kagawaran.


Mahusay rin naman aniya ang pangangasiwa ngayon sa DOH ng OIC nito na si Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na siya nang humarap sa publiko para sa DOH mula nung magkaroon ng pandemya.

Una nang inihayag ni Pangulong Marcos na magtatalaga lang siya ng kalihim sa DOH kapag bumalik na sa normal ang health situation ng bansa na patuloy na lumalaban pa rin mula sa epekto ng COVID-19.

Facebook Comments