PBBM, dumating na sa Amerika

Dumating na sa U.S. si PBBM para dumalo sa kauna-unahang trilateral summit ng Pilipinas, US, at Japan.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, 7:47 ng gabi sa Amerika nang lumapag ang eroplanong sinakyan ng pangulo kasama ang Philippine delegation.

Dumating ang eroplanong sinakyang ng pangulo sa John Base Andrews sa Maryland kung saan siya mainit na tinanggap ng Philippine Embassy at mga opisyal ng Amerika.


Dalawang araw na mananatili sa amerika ang pangulo kasama si US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Layunin ng summit na palakasin ang economic at maritime cooperation sa pagitan ng tatlong bansa.

Tatalakayin din ng tatlong lider ang kooperasyon sa larangan ng critical infrastructure, semiconductors, digitalization, cybersecurity at iba pa.

Facebook Comments