𝟲 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗠𝗕𝗨𝗦𝗛 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗨𝗧𝗛𝗘𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗜𝗥𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Anim ang patay habang dalawa naman ang nasugatan sa nangyaring ambush sa kalsadang sakop ng Sistan at Baluchistan province sa Southeastern Iran.

Ayon sa report, ang nasa likod ng pag atake ay ang grupong Jaish al-Adl militant group.

Ayon sa report, ipinaglalaban umano ng mga militante ang kanilang karapatan para sa etnikong Baloch minority sa rehiyon. Itinuturing ito ng Iran at ilan pang mga bansa bilang isang teroristang grupo.


Sa katunayan, hindi umano ito ang unang beses ng pag-atake.

Sa katunayan, nauna nang nagsagupaan ang nasabing grupo ng terorista at militar noong nakaraang linggo na nagresulta sa 10 iranian troops at 18 militante ang nasawi.

Samantala, anim (6) pang miyembro ng security forces ang namatay naman sa ospital.

Facebook Comments