Wednesday, March 25, 2026

PBBM, dumistansya sa posibleng pagkontrol ng gobyerno sa oil industry; emergency powers para suspindehin ang excise tax, lalagdaan ngayong araw

Dumistansya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa posibilidad kontrolin o i-take over ng gobyerno ang industriya ng langis, sa gitna ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ito’y kasunod ng deklarasyon ng state of natonal energy emergency dahil sa epekto ng giyera sa Middle East.

Ayon sa pangulo, ayaw muna niyang buksan ang usapin ng direktang kontrol sa oil industry.

Sa halip, inaasahan pa lamang na pipirmahan ng Ppngulo ngayong araw ang panukalang batas na magbibigay sa kaniya ng kapangyarihang suspendihin o bawasan ang fuel excise tax.

Pero ayon sa pangulo, pag-aralan muna kung kailan ito gagamitin, dahil pabago-bago ang galaw ng presyo ng langis.

Tiniyak naman ng pangulo na sapat pa ang suplay ng langis sa bansa sa susunod na 45 araw ay may nakausap na ring mga supplier mula sa ibang bansa upang masigurong may darating na bagong suplay bago pa ito maubos.

Facebook Comments