Hindi hihingi ng tawad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga biktima ng Martial Law.
Ayon kay Pangulong Marcos, personal na isyu na ito ng pamilya Marcos.
Ang mahalaga aniya sa kaniya ngayon ay ang papel niya bilang pangulo ng bansa kaysa sa pagiging miyembro ng pamilya Marcos.
Hindi rin aniya nito tungkulin bilang pangulo na makisangkot sa usapin sa Martial Law na nangyari sa ilalim ng panunungkulan ng kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Dagdag pa ng pangulo na gawa-gawa lamang ang ilang pratang tungkol sa Martial Law at ayaw niya nang makialam dahil wala siyang personal na kinalaman dito.
Facebook Comments