Wednesday, April 8, 2026

PBBM, fit sa trabaho sa kabila ng dating sakit na diverticulitis—Malacañang

Nilinaw ng Malacañang na hindi naaapektuhan ang trabaho ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng dati nitong kondisyon na diverticulitis.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, naging maingat na ang pangulo sa kanyang pagkain upang maiwasan ang pag-ulit ng sakit.

Ang pahayag ay kasunod ng mga obserbasyon sa social media tungkol sa pagpayat ng pangulo.

Dagdag pa ni Castro, wala umanong anumang problema sa kalusugan ang pangulo sa kasalukuyan at maayos ang kanyang kalagayan.

Samantala, nakatakda ngayong hapon ang sunod-sunod na pribadong pulong ng pangulo sa Malacañang.

Facebook Comments