Patuloy na lumalago ang foreign direct investment ng bansa sa nakalipas na apat na buwan.
Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang pagdalo sa Indo Pacific Economic Business Forum sa Taguig City ngayong umaga.
Ayon sa pangulo, malaki ang naiambag ng Indo Pacific Economic Framework Partner Countries sa FDI ng bansa kabilang ang Australia, Brunei Darussalam, Fiji India, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Layunin aniya ng mga bansang kasapi na makatulong para sa katatagan, pag-unlad, at kapayapaan sa rehiyon.
Samantala, ibinida rin ng pangulo sa forum ang paglakas ng ekonomiya ng bansa, na lumago ng 5.5% noong isang taon, at nalagpasan pa aniya ang mga pangunahing bansa sa Asya.