PBBM, ginagawang shock-absorber ng mga pagkukulang ng BPI

Para kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging ‘shock-absorber’ sa kabiguan ng Bureau of Plant Industry (BPI) na mag-angkat ng sibuyas sa tamang panahon na nakapigil sana sa pagtaas ng presyo nito sa ₱700 kada kilo noong nakaraang taon.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture ay kinastigo ni Barzaga si BPI Director General Glenn Panganiban dahil sa hindi agad paglalabas ng Certificate of Necessity to Import (CNI) para sa puting sibuyas noong August 2022.

Hindi pumasa kay Barzaga ang dahilan ni Panganiban na kaya hindi na-aprubahan ang CNI para sa pag-angkat ng puting sibuyas ay dahil hindi ito naaksyunan ng Agriculture Secretary na ginagampanan ni Pangulong Marcos Jr. dahil nasa transition period pa ang liderato noon.


Itinanggi naman ni Panganiban na sinisisi nila ang pangulo at sa halip ay iginiit na sila ang may pagkukulang sa pag-follow up sa Office of the Secretary.

Facebook Comments