PBBM, epektibong kalihim ng Department of Agriculture

Para kina House Committee on Agriculture and Food Chairman Quezon Representative Mark Enverga at Committee Vice Chairperson Marikina Representative Stella Quimbo, epektibong kalihim ng Department of Agriculture si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa katunayan, ayon kay Enverga, nais niyang manatili ang pamumuno ni Pangulong Marcos sa DA dahil malaking bagay na sa liderato nito ay nauungat at natutukan ang mga kahinaan ng ahensya.

Pahayag ito nina Enverga at Quimbo makaraang lumitaw sa siyam na pagdinig ng kamara na buhay na buhay talaga ang cartel ng sibuyas sa bansa at totoo din umano ang pagiging sibuyas queen ng negosyanteng si Leah Cruz.


Sabi naman ni Quimbo, naging matagumpay ang pagdinig ng Kamara ukol sa hoarding at pagmanipula sa presyo ng sibuyas dahil sa suporta ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ni House Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments