Nagkasama- sama muli sa isang event sa Malacañang kahapon sina dating pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo gayundin sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sa Facebook post ni Congresswoman Arroyo, kanyang idinetalye na ang naturang event sa Palasyo ay may kaugnayan sa courtesy call ng mga executive ng Chareon Pokphand group na pinakamalaking business company sa Thailand.
Binanggit ni Arroyo na ang naturang group of companies ay nagsimulang mamuhunan sa Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Magugunitang kamakailan ay pinalitan si Congresswoman Arroyo bilang Senior Deputy Speaker kasunod ng impormasyon ng umano’y tangkang kudeta sa kasalukuyang liderato ng Kamara, bagay na mariing itinanggi ni Arroyo.
Nasundan naman ito ng ilang tagpo sa Kamara kung saan ilang beses na lumapit at nagmano kay Congresswoman Arroyo si Speaker Romualdez.