PBBM, hiling na maka-graduate na sa kahirapan ang mga benipisyaryo ng 4Ps

 

Umaasa ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makalagpas at makaalis na sa kahirapan ang mga Pilipinong tumatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Marcos, pangarap niyang maka-graduate sa kahirapan ang lahat ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Aniya, mayroong iba’t-ibang programa ang pamahalaan para maihanda ang mga mahihirap na Pilipino sa pagbangon at mabago ang kanilang buhay.


Kabilang sa sinasabi ni Pangulong Marcos ang mga programang TUPAD, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at iba pang programa na nakatutok at nakakayulong upang makaahon sa kahirapan.

Dagdag pa ng pangulo, kaya mayroong libreng edukasyon para sa mga mahihirap na estudyante at mga scholarship upang maihanda ang mga benepisyaryo sa kanilang kinabukasan at maiahon ang pamilya para sa mas magandang buhay.

Iginiit pa ni Pangulong Marcos na isa sa mga susi para mapahusay ang kakayahan ng mga tao para makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay ay ang ibinibigay na livelihood programs.

Paalala naman ni Pangulong Marcos, ang mga tulong na ito ay hindi permanente dahil hindi maaari o sa lahat ng bagay ay nakadepende ang mahihirap na Pilipino sa gobyerno.

Facebook Comments