Wednesday, April 1, 2026

PBBM, hindi isusugal ang interes ng Pilipinas sa joint exploration sa China – Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na pangunahing prayoridad pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagprotekta sa interes ng bansa, kasunod ng babala ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na maaaring maging “patibong” ang joint exploration sa China.

Ayon kay Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi isasakripisyo ng Pangulo ang kapakanan ng Pilipinas sa anumang usapin o kasunduan.

Paliwanag ni Castro, nabanggit lamang ng Pangulo ang posibilidad ng joint exploration matapos siyang tanungin sa isang panayam ng foreign media kung bukas ba ang administrasyon sa ganitong uri ng kooperasyon.

Ang anumang hakbang aniya ng pamahalaan ay daraan sa masusing pag-aaral upang matiyak na napapangalagaan ang interes ng bansa at ng mamamayan.

Sa ngayon, wala pang bagong detalye kaugnay ng usapin ng joint exploration ng Pilipinas at China.

Facebook Comments