PBBM, hindi nababahala sa bantang impeachable offense ang pagsuko ng gobyerno kay FPRRD sa ICC

Hindi nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na maituturing na “impeachable offense” o batayan para sa impeachment ginawang pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, na hindi nakikipag-tulungan ang gobyerno sa ICC dahil hindi wala na itong hurisdiksyon dahil hindi na miyembro nito ang Pilipinas.

Giit ni Castro, kahit walang inilabas na sulat ang Pangulo na nagsasabing po-protekahan si Duterte sa banta ng ICC ay hindi pa rin makiki-alam ang gobyerno sa mandato ng international court.

Kasunod ito ng inihaing mosyon ng mga abogado ni Duterte sa ICC na humihiling na ibasura ang mga reklamo laban sa kaniya dahil sa kawalan ng legal na basehan, at pagbanggit sa umano’y liham noon ni Pangulong Marcos na hindi makikipagtulungan sa ICC.

Samantala, dumistansya ang Palasyo na magkomento sa posibilidad na humina ang kaso laban kay Duterte dahil sa paulit-ulit na pahayag ng administrasyon na hindi makikipag-tulungan sa ICC.

Facebook Comments