Si Catherine Agacite ay umunlad bilang negosyante, dahil siya ay nagpursigi kahit mahirap magsimula ng negosyo. Tanging breadwinner sa lima niyang anak, si Cathy ay nagsimula sa isang maliit na fruit stand. Maliliit pa noon ang mga anak niya at hindi pa makatulong sa negosyo. Noong umpisa, hindi siya makapagtabi ng ipon o makapag-roll ng kapital dahil humihiram lang siya sa mga informal lender at araw-araw sila nangongolekta ng bayad.

May nagbukas na bangko sa General Luna na malapit sa kanyang fruit store, at may humikayat kay Cathy mula sa bangko na magbukas ng account. Mula noon, nakakapag-ipon na si Cathy. Natuwa siyang makitang lumalaki ang kanyang naitatabi mula sa negosyo.

Nabigyan din si Cathy ng bank loan para sa dagdag pondo sa negosyo. Dahil dito, naging mas madali at mas simple ang kanyang pagnegosyo. Nagustuhan niya na kada buwan ang pagbayad para sa loan imbis na kada araw, dahil napapaikot na niya ang kanyang kapital. Ang pagbayad ay automatic na kinakaltas sa kanyang account sa bangko, kaya hindi na niya kailangang mag-alala kung nakapagbayad na ba siya o hindi pa.

Napalago ni Catherine ang kanyang negosyo, at nakatulong na rin ang kanyang mga anak sa pagpapatakbo nito. Ngayon, may dalawa na siyang malaking branch ng fruit store at magbubukas ng isa pa. Laking tulong sa kanya ng kanyang bangko dahil pinasimple ang pagkuha ng dadag pondo sa negosyo. Para kay Catherine, simple lang din ang sekreto sa pag-unlad sa negosyo—kapag naasikaso mo nang maayos ang inyong mga customer, babalik at babalik sa’yo. Lahat ng pagod at sipag, magbubunga ng magandang kinabukasan.

Para sa detalye tungkol sa mga produkto at serbisyo ng BDO Network Bank, bumisita sa BDO Network Bank official website, bumisita sa kanilang Facebook page, o pumunta sa pinakamalapit na branch.

BDO Network Bank, Inc. is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas. https://www.bsp.gov.ph

For assistance, please visit any BDONB branch nearest you, contact us thru our hotline +63 82 233-7777 or +63 919 058-5000, email us via customerservice@bdonetworkbank.com.ph or send us a private message at our official Facebook page www.facebook.com/BDONetworkBankPH.

Deposits are insured by PDIC up to P1 Million per depositor.

The BDO Network Bank, BDO Unibank, and other BDO-related trademarks are owned by BDO Unibank, Inc. All Rights Reserved.

Facebook Comments