PBBM, hindi naniniwalang may nangyaring suhulan sa Kamara para ma-impeach si VP Sara

Hindi naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may nangyaring suhulan sa Kamara para ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ng pangulo kasunod ng mga alegasyon at batikos sa Kamara at mga kongresistang lumagda sa impeachment complaint.

Ayon sa pangulo, may mga natatanggap din siyang ulat tungkol dito.


Pero mahirap aniyang paniwalaan na may kapalit na ayuda ang lagda dahil napakarami ng 215 na bilang nang ihain ito sa plenaryo ng Kamara.

Dagdag pa ng pangulo, posibleng diversionary tactics lamang ito para sirain ang integridad ng Kamara at mga kongresista.

Facebook Comments