Mananatili pa bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang pahayag ng pangulo sa ambush interview kagabi sa pagdalo nito sa 48th Philippine Business Conference and Exposition sa Manila Hotel.
Ayon sa pangulo, marami pang mahirap na problema sa sektor ng agrikultura at hindi madaling maibalik ang dating magandang sistema kaya kailangan niya pang manatili bilang kalihim ng DA.
Aniya, kapag nakita niya nang maayos na ang mga function sa DA at mayroon nang structural changes ay saka pa lamang siya bibitiw sa DA at mag-a-appoint ng kalihim.
Sa ngayon, bukod sa DA ay wala pa ring itinatalagang kalihim ng Department of Health at Office of the Press Secretary.
Ayon sa pangulo, kailangan munang i-normalize ang sitwasyon sa bansa bago magtalaga ng bagong DOH Secretary.
Sa ngayon kasi nanatiling nasa state of emergency dahil sa COVID-19 pandemic.