PBBM, nakakuha ng mataas na approval ratings dahil sa pamumuno sa DA batay sa PUBLiCUS Asia Survey

Inihayag ng Palasyo na nakakuha ng mataas na approval ratings si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa pag-upo bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay batay sa 2022 Quarterly Survey Series ng PUBLiCUS Asia.

Base sa survey, 63 percent ng respondents ay sumang-ayon sa magandang performance ng pangulo bilang DA secretary, 15 percent ang hindi sumang-ayon at 22 percent ang undecided.


Ginawa ang survey mula Sept. 16 hanggang 20, 2022 sa 1,500 adult respondents.

Una nang sinabi ng pangulo na ang pag-upo niya bilang kalihim ng DA ay patunay na prayoridad niya ang agriculture sector.

Nais niyang tumaas ang produksyon ng bigas at magkaroon ng re-organization sa Agriculture Department.

Facebook Comments