PBBM, hiniling sa mga Pilipino ngayong nagdiriwang ng Araw ng Kalayaan na palaging pairalin ang excellence at integridad sa lahat ng ginagawa

Hamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino ngayong ipinagdiriwang ang ika-125 na anibersaryo ng araw ng kasarinlan na pairalin ang excellence at integridad kahit anuman ang ginagawa.

Ayon sa pangulo, sa ganitong paraan ay naipapamuhay ang noo’y vision o layunin ng mga ninuno na mamuhay ang mga Pilipino na may kalayaan matapos ang kanilang mga sakripisyo para sa bayan.

Sinabi pa ng pangulo, ang makasaysayang araw na ito ay patunay ng pagiging makabayan ng mga ninuno na dapat pahalagahan.


Ang bandila, national march at proklamasyon ng kalayaan ayon sa pangulo ay nagbibigay ngayon sa mga Pilipino ng gabay at tiwala para sa pagkakaisa.

Dagdag pa ng pangulo sa patuloy na pagsulong ng bansa para sa magandang bukas hinikayat nya ang lahat na ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.

Facebook Comments