Mega Job Fair sa lungsod ng Parañaque, dinaluhan ng maraming aplikante sa kabila ng malakas na pag-ulan ngayong umaga

Dinaluhan ng daan-daang mga aplikante ang Mega Job Fair sa Lungsod ng Parañaque kahit pa naranasan ang matinding pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Ayon kay PESO Parañaque Henry Leonardo, nasa 62 na mga ahensya ang naghahanap ng mga aplikante para sa kanilang mga ino-offer na trabaho, gaya na lamang ng promodiser, branch accountant, fleet driver, sales associate, aircon aide at HR generalist at marami pang iba.

Samantala, inaasahan na nasa 1,000 ang mga job seeker ngayon na magpupunta dahil na rin sa araw ng kalayaan.


Mayroon ring mga one stop shop gaya ng SSS, PhilSys, Pag-IBIG at PhilHealth na pwede ring puntahan ng mga kailangan sa kanilang aplikasyon.

Sa mga job seeker, huwag kalimutan magdala ng 10 resume at ballpen at magbitbit na rin ng payong dahil sa pabago-bagong panahon.

Facebook Comments