PBBM, hinimok na gamitin ang salitang Filipino sa kanyang unang SONA

Hiniling ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gamitin ang salitang Filipino sa kanyang unang State of the Nation Address sa July 25.

Naniniwala ang kongresista na mas mapupukaw ang publiko kung ang Filipino ang gagamiting lenggwahe ng pangulo para maipaabot ang kanyang mensahe at mga plano sa bansa.

Sinabi ni Salo na maraming mga Pilipino ang mas makakaramdam at mas magkakaroon ng koneksyon sa speech ng presidente kung ito ay sa salitang Filipino.


Aniya, ang pagsasalita ng Filipino ni Marcos noong panahon ng kampanya ay nakatulong para makuha ang pansin at emosyon ng mga botante.

Magkagayunman, batid ng kongresista na kaya Ingles ang wikang ginamit ng pangulo tulad sa kanyang inaugural address ay para ipaabot ang pangangailangang pagbutihin ang English proficiency ng bansa lalo na sa mga mag-aaral.

Facebook Comments