Hinimok ng isang health reform advocate si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magtatag ng council of adviser na gagabay sa administrasyon upang matugunan ang nararanasang krisis ng bansa na dulot ng COVID-19.
Ayon kay dating National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Tony Leachon, maaaring magkaroon ng isang grupo ng mga tagapayo si Marcos na magbibigay ng mga opinyon at suhestiyon ng walang anumang political o business pressure.
Inirekomenda ni Leachon sina Dr. Rontgene Solante at Dr. Edsel Salvana, gayundin ang Philippine College of Physicians at Philippine Medical Association bilang potensyal na miyembro ng COVID advisory council ng administrasyon.
Matatandaang nagkaroon ng pagpupulong ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malacanang hinggil sa COVID-19 pandemic.
Ang task force ay binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na pinamumunuan ng kalihim ng Department of Health (DOH).
Samantala, hanggang sa ngayon ay wala pang itinatalagang bagong kalihim ng DOH si Pangulong Marcos.