PBBM, humarap sa malalaking technology companies sa Amerika at tiniyak ang kahandaan ng Pilipinas para sa pagpapalago ng AI

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga technology companies sa Estados Unidos na mamuhunan at maging partner ng Pilipinas para sa bagong technological revolution.

Sa isang roundtable meeting kasama ang mga pribadong kumpanya, mamumuhunan at mga kapitalista sa sektor ng teknolohiya, sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, sinabi ng Pangulong Marcos Jr., na nakahanda ang pilipinas na yakapin ang artificial intelligence o Artificial Intelligence (AI).

Sa ngayon, aniya ay pinagyayaman ng Pilipinas ang kaalaman nito sa AI revolution para sa kasanayan ng mga Pilipino.


Naniniwala ang pangulo na sa pamamagitan ng AI ay mapatataas ang productivity ng mga Negosyo at mapalalakas ang competetiveness ng ekonomiya.

Umaasa ang pangulo na ang pulong na ito kasama ang technology companies ay magsilbing oportunidad upang makalikha ng nagkakaisang pananaw para ang mga manggagawang pilipino ay mapataas ang antas ng kakayanan at handang matuto sa digital age.

Facebook Comments