PCG, patuloy na naka-monitor sa sumadsad na tugboat sa Negros Oriental

Sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat sa Bais City, Negros Oriental ang isang tugboat.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), kargado ng 1,600 tonelada ng uling o industrial coal ang TML Blue Sky Jay nang sumadsad ito sa sand bar na sakop ng Brgy. Okiot kahapon ng umaga

Hatak ng tugboat na TML THE CEO ang barge na galing Semirara, Antique at patungo sanang Campuyo, Manjuyod, Negros Oriental nang mangyari ang insidente.


Nabatid na nagkaroon ng problema ang tug boat sa paghatak sa nasabing barge kaya’t pumulupot ang tali sa propeller hanggang sa sumadsad.

Nakabantay naman ang PCG sa sitwasyon at hinihintay ang pagdating ng tugboat na hahatak sa nakasadsad na barge sa sandaling tumaas ang tubig o magka-high tide.

Facebook Comments