Hiningi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tulong ng gobyerno ng Czech Republic para matulungan ang nagpapatuloy na Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program.
Ginawa ng pangulo ang paghingi ng tulong sa bilateral meeting kay Czech Republic Prime Minister Petr Fiala na sidelines sa ASEAN EU Commemorative Summit sa Brussels Belgium.
Partikular na tulong na hiniling ng pangulo ay ang technology transfer o pagdadala ng mga defense equipment sa Pilipinas na ginagawa na rin ng ibang mga bansa.
Malaki aniya ang maitutulong sa nagpapatuloy na modernization ng defense forces ng Pilipinas lalo na ang pagpapalakas pa ng kapabilidad ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sa huli, umaasa rin ang pangulo na magtutuloy-tuloy ang AFP Modernization para mas lumakas ang kapabilidad ng bansa lalo na sa usapin ng pang depensa at mas ipursige ang pagtupad sa kanilang mandato.