PBBM, ihahayag sa SONA ang mga pagbabago sa gobyerno matapos ang isang taong panunungkulan

Ipapaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA sa July 24 ang mga pagbabago sa gobyerno matapos ang kanyang unang taon sa pwesto.

Sa ambush interview sa pangulo sa event sa Pampanga, sinabi nitong mahalagang maipaliwanag sa mga Pilipino ang significant progress o pagbabago sa pamahalaan.

Partikular aniya sa kung anong sistema at kung papaano nagtatrabaho ang gobyerno.


Dagdag pa ng pangulo, ire-report niya sa mga Pilipino ang mga nagawa na nang kanyang administrasyon mula sa mga naipangako nya noong unang SONA.

Ihahayag din ng pangulo ang mga kailangan pang gawin at mga plano sa mga susunod na taon ng kanyang termino.

Magiging simple ayon sa pangulo ang kanyang ikalawang SONA nais lang nyang mag-report sa mga Pilipino.

Sa ngayon aniya ay abala siya sa pagsusulat ng kanyang talumpati para sa SONA.

Facebook Comments