PBBM, inalala ang sakripisyo ng mga sundalo noong World War II ngayong Araw ng Kagitingan

Ipinaalala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga Pilipino kasabay ng paggunita ng ika-81 Araw ng Kagitingan ngayong araw ang mga sakripisyo na ginawa ng mga sundalo noong World War II.

Sa inilabas na mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos, sinabi nito na sama-sama nating ipagdiwang ang katapangan, kahusayan, at katatagan ng mga bayaning sundalo na nagbuwis ng kanilang buhay sa Battle of Bataan.

Dagdag pa ni PBBM, ang Araw ng Kagitingan ay nagpapakita sa mundo ng matinding espiritu ng mga Pilipino sa panahon ng hamon at kahirapan.


Ayon pa sa pangulo, palaging tatandaan ng mga Pilipino na ang mga aksyon at kilos ngayon ay tumutukoy sa kinabukasan ng ating bansa at sa mga susunod na henerasyon.

Giit pa ni Marcos Jr., magkaisa at magtulungan tayo tungo sa pagbuo ng isang mas makatao, patas, at progresibong lipunan para sa iisang mithiin ng bansa.

Facebook Comments