PBBM: Linggo ng Pagkabuhay ay panahon ng pagbangon at pagbabago

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga Katolikong Pilipino na gawing panahon ng pagbangon at pagbabago ang paggunita ng Linggo ng Pagkabuhay o ngayong Easter Sunday.

Sa inilabas na mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos, sinabi nito na marapat na maglaan ng araw at oras ang mga kapwa niyang Pilipino na magpasalamat sa Panginoong Diyos.

Dagdag pa ng pangulo, ito rin ang pagkakataon na magbago, lumaban at bumangon upang makamit ang tunay na pagkakaisa, pagtutulungan at higit sa lahat pag-unlad ng buong bansa.


Ayon pa kay PBBM, itinuturo ng Linggo ng Pagkabuhay ang wagas na pag-ibig at pag-asa ay mananatili ng walang hanggang at magiging pundasyon ng positibong pagbabago at pananaw ng ating bansa.

Facebook Comments