Pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na mag aamyenda hinggil sa fixed term para sa mga pinuno ng major service command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Batay sa nilagdaang amendment ng Chief Executive na Republic Act 11939, mababawasan ang fixed term ng mga major service commander sa dalawang taon mula sa tatlong taon.
Ito ay ang Philippine Army Chief, Philippine Air Force Chief at Philippine Navy Chief gayundin ang Philippine Military Academy Superintendent.
Pero, mananatili sa 3-year fixed term ang tour of duty ng AFP Chief of Staff.
Nakapaloob din sa amendment ang pagpapalawig pa ng isang taon ang serbisyo ng mga may ranggong 2nd lieutenant o ensign hanggang lieutenant general o Vice Admiral.
Mulas sa edad na 56, magiging edad 57 na ang retirement age ng mga nabanggit na ranggo.
Nilagdaan ng pangulo ang pag-aamyenda ng RA 11709 kahapon, May 17, 2023.