PBBM, inaprubahan na ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa open spaces sa bansa

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gawin na lamang boluntaryo o hindi na obligado ang pagsusuot ng face mask sa open spaces.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Batay aniya sa Executive No. 3 na pirmado ni Pangulong Marcos, nakasaad na effective immediately ay magiging opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga open area.


Pero dapat may magandang ventilation ang isang area at gawin pa rin ng social distancing.

Hinihikayat naman ng gobyerno ang senior citizens, mga immunocompromised at walang bakuna o hindi kumpleto ang bakuna na magsuot ng face mask kahit nasa open area.

Facebook Comments