Imbestigasyon ng Senado sa serye ng mga pagdukot sa bansa, itinakda na sa Huwebes

101

Itinakda na sa Huwebes ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa serye ng kidnapping na nangyayari ngayon sa bansa.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ronald “Bato” dela Rosa na sa Huwebes, September 15, ikakasa na ng kanyang komite ang imbestigasyon sa nakakaalarma at magkakasunod na kaso ng pagdukot.

Inihain nila Senators Imee Marcos, Grace Poe at JV Ejercito ang mga resolusyon para imbestigahan ang mga kaso ng kidnapping.


Sa gagawing imbestigasyon ay aalamin ang katotohanan sa likod ng mga ulat ng pagdukot sa bansa lalo na ang mga nagkalat na videos kaugnay sa pagdukot at pagpatay.

Matatandaang ilang videos na ang kumalat sa online na mga babae at mga kabataang tinangkang dukutin at pilit na isinasakay sa isang puting van.

Bubusisiin din ang magkakaibang naitalang records o datos ng mga kaso ng pagdukot upang malaman at mailahad sa imbestigasyon ang totoong bilang ng kidnapping.



Mababatid na sa Philippine National Police (PNP) ay nasa 27 ang kidnapping cases ang naitala habang sa Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry (PCCCI) ay 56 naman ang mga naitalang report ng pagdukot.

Facebook Comments