May limang dahilan kaya inimbitahan ni Indonesian President Joko Widodo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bumisita sa Indonesia.
Sa isinagawang joint press statement sa Bogor Presidential Palace, sinabi ni Indonesian President Widodo na unang dahilan ay nais nyang ipagpatuloy ang developing trade potentials at maging connectivity ng border areas.
Partikular aniya ang revitalization ng shipping routes– Ro-Ro shipping routes sa pagitan ng Bitung at Davao at muling pagbubukas ng Manado-Davao flight route.
Pangalawa, ang pagpapaigting ng kooperasyon sa infrastructure at strategic industries.
Katunayan aniya, maraming Indonesian State Owned Enterprises ang nakiisa sa development programs sa Pilipinas.
Mayroon din aniyang planong bumili ng two-landing platform dock vessels at railway signaling project sa Maynila.
Umaasa rin si President Widodo na matuloy ang planong pagbili ng NC212i aircrafts mula sa P.T Dirgantara.
Pangatlong dahilan ng pag-imbita ni Pres. Widodo kay Pangulong Marcos ay dahil gusto niyang mapalakas ang border cooperation.
Sinabi ni President Widodo sa joint press statement na nagkasundo na sila ni Pangulong Marcos na i-review ang dalawang border security agreements at babaguhin ang Border Crossing Agreement and Border Patrol Agreement.
Siniguro rin ni Widodo ang commitment nito sa nagpapatuloy na negosasyon may kaugnayan sa paglilimita sa continental shelf batay na rin sa UNCLOS 1982.
Apat na dahilan rin ay ang palakasin ang defense at security, hinikayat ni Widodo ang pagpapalakas ng cooperation and safety at seguridad sa waters sa border areas.
Kaya nagpapasalamat si Widodo na napirmahan na ang Agreement on Cooperative Activities in the field Defense and Security sa pagitan ng Pilipinas.
Natutuwa siya sa renewal ng Trilateral Cooperative Arrangement o TCA sa pagitan ng Indonesia, Pilipinas at Malaysia.
Mahalaga aniya ito dahil nabibigyan ng seguridad ang karagatan mula sa banta ng hostage-taking at kidnapping.
Panghuling dahilan ay dahil sa regional cooperation, natalakay ang kahalagahan ng ASEAN at ang pagpapatupad ng ASEAN Outlook sa Indo-Pacific.