PBBM, isusulong sa Convention on Climate Change na gagawin sa Dubai ang commitment ng global community patungkol sa climate financing

Byaheng Dubai bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa 28th Conference of Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Ang pakikiisa para sa event na tinawag na Conference of the Parties (COP28) ay nabanggit ng pangulo kasunod ng isinagawang ceremonial turnover of People’s Survival Fund sa Malañang na kung saan ay P541 million ang inilaan para sa climate adaptation projects ng mga benepisyaryong Local Government Unit (LGU).

Ayon ka Pangulong Marcos, gagamitin niyang pagkakataon ang Convention on Climate Change upang ipanawagan sa pandaigdigang komunidad ang pangakong may kinalaman sa paglalaan ng kaukulang pondo para sa climate change.


Sinabi pa ng pangulo na sa kabila na may kailangang gawin sa Pilipinas patungkol sa nagaganap na pagbabago ng klima, binigyang diin nito na dapat ring makilahok sa pandaigdigang hangarin na matutulungan ang mga mahihirap na komunidad na apektado ng climate change.

Facebook Comments