
Umiwas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na direktang sabihin kung itinuturing niyang “most guilty” si dating Congressman Zaldy Co sa kontrobersyal na flood control scam.
Ayon sa Pangulo, bukas pa rin naman ang opsyon na gawing state witness ang sinumang may alam sa anomalya, maliban sa mga itinuturing na “most guilty” sa kaso.
Pero nang tanungin kung kabilang si Co sa kategoryang iyon, natawa lang ang Pangulo at iginiit na ang korte ang dapat magpasya.
Matatandaang inihayag ni Ombudsman Boying Remulla na nakatakdang sampahan ng kaso si Co sa mga susunod na araw kaugnay ng maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro.
Facebook Comments









