Kakausapin ni Pangulong Bongbong Marcos si Senador Leila de Lima matapos ang nangyaring hostage taking sa Camp Crame kaninang umaga.
Sa kanyang Twitter post, sinabi ng pangulo na kakamustahin niya ang kondisyon ngayon ni De Lima.
Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center.
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) October 9, 2022
Tatanungin din niya ang senadora kung hihilingin nitong magpalipat sa ibang detention facility.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng hakbang upang hindi na maulit ang mga kaparehong insidente Sa Camp Crame at sa iba pang detention center ng PNP.