PBBM, kinansela na ang klase at trabaho ngayong hapon hanggang bukas dahil sa bagyo

Nagdeklara ng suspensyon sa klase at trabaho si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ngayong araw hanggang bukas dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Florita.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang deklarasyon ng suspensyon ay para sa government offices at sa lahat ng antas ng paaralan sa mga lugar ng National Capital Region (NCR), Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan.

Sinabi ni Angeles na batay sa abiso ng Office of Civil Defense (OCD) makakaranas ng matinding pag-ulan sa mga nabanggit na lugar ngayong araw hanggang bukas kaya inaprubahan ng pangulo ang deklarasyon ng OCD na suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno.


Inirerekomenda naman ng Malacañang sa mga private schools at pribadong opisina ang pagdedeklara rin ng suspensyon.

Facebook Comments