DALAGANG NAGTANGKANG MAGPAKAMATAY, NASAGIP

43
Nasagip ng mga pulis ang isang dalagang nagtangkang magpakamatay sa Josepha Bridge, sa Peñablanca Cagayan kaninang umaga, Agosto 23, 2022.

Kinilala ang dalaga na si alyas Honey, 19 taong gulang, isang estudyante at residente ng Barangay Alimanao Peñablanca Cagayan.

Ayon sa awtoridad, ngapapatroyal umano ang tropa ng kapulisan upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa banta ng bagyong Florita, nang makita nila ang babae na nakatayo sa tabi ng Josepha Bridge at nagbabalak tumalon mula sa tulay.

Nang lapitan ng mga pulis ay agad naman nagbahagi ang dalaga ng kanyang mga problema kung kaya’t siya ay niyayang sumama sa mga pulis at pinaintindi na hindi solusyon ang pagpapakamatay sa mga problema.

Sa nakuhang impormasyon mula sa Philippine Information Agency Region 2, ang estudyante ay ligtas na at kasama ang mga magulang matapos masagip ng kapulisan ng Peñablanca Municipal Police Station.

Facebook Comments