
Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga babaeng mambabatas sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan.
Sa panunumpa ng mga opisyal ng Association of Women Legislators Foundation Inc. sa Malacañang, tiniyak ng Pangulo ang buong suporta ng pamahalaan para sa mas maraming oportunidad para sa mga kababaihan.
Mahalaga aniya ang papel ng mga kababaihang lider sa pagtataguyod ng karapatan ng mga Pilipina, sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa Pangulo, ipagpapatuloy ng gobyerno ang mga programang magpapalakas sa kababaihan, magpoprotekta laban sa pang-aabuso, at magbibigay ng mas maraming pagkakataon sa trabaho, negosyo, at karera.
Facebook Comments










