PBBM, kinilala ang papel nang broadcast media sa pagpapakalat ng impormasyon sa harap nang mga dumaraming fake news sa social media

Binigyang pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang papel ng broadcast media sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon sa publiko.

Sa dinaluhang ika-50 anibersaryo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ngayong gabi, sinabi ng Pangulong Marcos Jr., na sa nakalipas na 50 taon napanatili ng KBP ang integridad at kredibilidad ng mga impormasyong ipinaabot sa publiko.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon na ngayon ng social media na talamak ang pagkalat ng fake news.


Hangad ng pangulo na sa kabila ng mga negatibong epekto ng pagiging advanced nang teknolohiya sa pamamagitan ng social media, magagawa pa rin ng KBP na gawing matatag at objective ang mga ilalabas nitong balita at impormasyon at natutulungan ang mga tao na makita kung ano ang totoong impormasyon at kung ano ang propaganda lamang.

Dahil dito ayon sa presidente, ipagpatuloy lamang ng KBP ang papel nito na sumusunod sa rule of law lalo na sa practice ng broadcasting.

Facebook Comments