PBBM, kinilala ang sakripisyo ng mga opisyal at kawani ng DSWD lalo na sa panahon ng kalamidad

Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang pasasalamat at pagkilala sa mga opisyal at kawani ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ginawa ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika 72nd DSWD anniversary at inagurasyon ng Multi-Purpose Center ng DSWD.

Ayon sa pangulo, kinilala nya stability at reliability ng DSWD sa loob mahigit 70 taon.


Nanatili aniya ang hindi matatawarang misyon ng DSWD para mas mapa-angat ang buhay ng bawat Pilipino lalo na ang mga distressed Filipino.

Alam ng pangulo na minsan ay pakiramdam ng mga tauhan ng DSWD ay hindi kinikilala ang kanilang trabaho.

Ani ng pangulo, huwang itong iisipin dahil kinikilala at nagpapasalamat ang Pilipino sa ginagawa ng DSWD lalo noong kasagsagan ng pandemya.

Kung hindi aniya sa ginawa ng DSWD ay malamang maraming namatay sa gutom noong panahon ng pandemya.

Hiling ng pangulo sa mga taga-DSWD, ituloy lang dedikasyon sa trabaho para mas makapagsilbi sa taumbayan.

Facebook Comments