PEDESTRIAN LANES SA DAGUPAN CITY, PLANONG BAWASAN

May planong bawasan ang mga pedestrian lanes sa lungsod ng Dagupan na inirerekomenda na ng POSO sa lokal na pamahalaan ng lungsod.
Nagkaroon kamakailan lamang ng feasibility study ang POSO Dagupan at isa ang pedestrian lanes umano ang dahilan sa mga nagaganap na aksidente sa lungsod.
Bukod sa nagiging pabigat ito sa daloy ng trapiko, kinonsidera rin itong pangunahing problem sa mga kakalsadahan.

Samantala, patuloy itong idinudulog ng POSO Dagupan sa lokal na pamahalaan ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments