PBBM, kinumpirma ang pagpapalaya ng Hamas group sa pangalawang Pilipinong bihag nito

Ilang araw matapos ang pag-aalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kinaroroonan ng isa pang Pilipino sa Gaza sa katauhan ni Noralyn Babadilla, kinumpirma ng pangulo na ligtas na si Babadilla matapos palayain ng grupong Hamas.

Sa official statement ng pangulo, sinabi nitong nasa Israel na ngayon ang Pinay na si Babadila at ngayon ay inaasikaso ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa Tel Aviv.

Dahil sa positibong development na ito, sinabi ng pangulo na all accounted ang lahat ng Pilipinong apektado ng giyera sa Israel.


Nagpahayag naman ng pasasalamat ang pangulo sa Israel authorities dahil sa pagtulong para mapalaya si Babadilla at sa lahat ng tulong sa mga Pilipino sa Israel.

Nagpasalamat din ang pangulo sa Egypt at sa State of Qatar sa mga mahahalagang role ng mga ito para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Facebook Comments