Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na matutuldukan na ang insurgency sa bansa sa ilalim ng kanyang termino.
Sa ambush interview na isinagawa sa Tacloban City, sinabi ng Pangulo na may nakikita na siyang progreso hindi tulad noon na masyadong magulo.
Bagama’t may ilan pang nangyayaring engkwentro sa pagitan ng gobyerno at magkakaliwang grupo, hindi na raw ito kasing-dami tulad ng dati.
Unti-unti na rin daw nababaklas ng pamahalaan ang organisasyon ng mga rebelde.
Humina na aniya ang pwersa ng mga rebelde matapos na mapatay ang mga matataas na lider ng mga komunistang terorista.
Dahil dito, tiwala si Pangulong Marcos na matatapos ang kaguluhang ito pagdating ng 2028.
Facebook Comments