Muling mag-iinspeksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kadiwa stalls sa Quezon City.
Gagawin ito ngayong alas-9:00 ng umaga sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Grounds, sa Elliptical Road, Quezon City.
Sa abiso ng Presidential Communications Office (PCO) bago magsimula ang programa sa aktibidad ay gagawin muna nang pangulo ang inspeksyon sa mga Kadiwa Stalls.
Inaasahang dadalo sa programa sina TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza at si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma.
Una nang inilunsad ang Kadiwa sa bansa upang kahit papaano’y makatulong sa mga mahihirap na Pilipino na lubhang apektado ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Samantala, pagkatapos sa Quezon City, babalik agad ang pangulo sa Palasyo ng Malakanyang para pangunahan ang 2022 Awards Rites para sa mga outstanding government workers.
Gagawin ito ng alas-11:00 ng umaga mamaya sa Ceremonial Hall, Malacañang Palace.
Inaasahang dadalo sa aktibidad na ito sina Atty. Aileen Lourdes Lizada, Commissioner, Civil Service Commission at Ombudsman Samuel Martirez.
Ang mga awards na matatangap ng 2022 outstanding government workers ay Pag-asa Award, Dangal ng Bayan Award at Presidential Lingkod Bayan Award.
Facebook Comments