PBBM, nagbigay ng utos na resolbahin na sa lalong madaling panahon ang nangyayaring pagpapaliban sa pag-iisyu ng national ID

Direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos para tugunan ang sanhi ng anumang nangyayaring pagpapaliban sa pagre-release ng national ID.

Sa panayam sa Malacañang kay Information and Communications Technology Secretary John Ivan Uy, sinabi nitong long overdue na ang deadline para matanggap ng bawat Pilipinong nakapagparehistro sa national ID.

2021 pa ayon Kay Uy dapat sana ay fully distributed na ang national ID pero sa mga delay ay hindi pa rin ito nagagawa.


Sinabi ni Uy, nasa higit 20 million pa lamang na mga Pinoy ang nakatanggap na ng kanilang physical national ID ngayong 2023.

Inaayos na aniya nila ngayon na magkaroon na ang registrants ng kanilang kopya sa pamamagitan ng digital mobile ID na maaaring ma-access sa eGov PH Super App.

Facebook Comments